IPINANUKALA ng agriculture stakeholders na magkaroon ng periodic review sa taripa sa bigas sa halip na panatilihin ang fixed rates hanggang sa 2028.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na batay sa kanilang pakikipag-usap sa industry representatives, kabilang sa mga iminungkahi ay pagre-review sa taripa kada anim na buwan hanggang isang taon, o kahit tuwing ika-apat na buwan.
Inihayag ng kalihim na plano niyang isulong ang mga suhestiyon ng industry stakeholders sa Cabinet level, habang hinihintay ang executive order para sa pagpapatupad ng inaprubahang 15% mula sa 35% na tapyas sa taripa ng imported rice hanggang 2028, ng National Economic and Development Authority (NEDA) board.
Pinalagan ng grupo ng mga magsasaka ang naturang tariff rate cut dahil ito ang nakikita nilang solusyon para mapababa ang presyo ng bigas.