5 July 2024
Calbayog City
Entertainment

Pelikulang “BARBIE”nalagpasan ang 1B dollar mark 17 araw lamang matapos itong i-release

PUMALO sa record-smashing na 1.0315 Billion Dollars ang kinita ng pelikulang “Barbie” na pinagbibidahan ni Margot Robbie, labimpitong araw lamang mula nang ipalabas ito sa mga sinehan sa buong mundo.

Dahil din dito ay itinanghal si Greta Gerwig na kauna-unahang babae na nakalagpas sa 1-Billion Dollar benchmark bilang solo director.

Bago i-release ang pelikula, naging kontrobersyal ito makaraang i-ban sa Vietnam dahil sa umano’y pagpapakita ng nine-dash line map ng China.

Sa Pilipinas ay isinailalim din muna ito ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa detalyadong review bago pinayagang ipalabas sa mga sinehan noong July 19 na mayroong pg rating.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *