8 February 2025
Calbayog City
Local

PCG Western Samar, nabigay ng seguridad sa Fluvial Parade bilang bahagi ng pagdiriwang na Kapistahan ng Sto. Niño

NAGBIGAY ang Coast Guard Station Western Samar ng seguridad at kaligtasan sa Fluvial Parade sa Zumarraga, Daram, Tarangnan, Brgy. Banquil, Brgy. Burabod, at Brgy. Guintarcan Villareal, Samar.

Kaugnay ito sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Sr. Sto. Niño na nilahukan ng tinatayang isanlibong mga deboto.

Para ligtas na pagdaraos ng maritime traditions, hinihikayat ang lahat ng organisasyon na kumuha ng permit sa tanggapan ng Philippine Coast Guard bago magsagawa ng anumang maritime parades, regattas, at iba pang maritime-related activities.

Ito’y bilang pagtalima sa PCG Memorandum Circular 04-14 para sa pagsusulong ng kaligtasan ng buhay sa karagatan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *