Nagdeploy ng barko ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Benham Rise para magsagawa ng pagpapatrolya sa karagatang sakop ng bansa.
Ang deployment ng BRP Gabriela Silang ay base sa utos ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan.
Dalawang linggo ang misyon ng BRP Gabriela Silang sa Batanes at sa Benham Rise na nagsimula kahapon, March 4.
Ayon kay PCG Spokesperson, Rear Admiral Armando Balilo, magsasagawa ng pagpapatrolya ang barko sa lugar at layon din nitong palakasin ang presensya ng coast guard sa Northern Luzon, gayundin ang mabantayan ang mga mangingisda doon.
Ayon kay Balilo, titingnan din ng BRP Gabriela Silang ang napaulat na presensya ng mga barko ng China sa Benham Rise.
Naka-standby din ang air assets ng PCG sakaling kailanganing magsagawa ng aerial surveillance.