TINAMBAKAN ng Magnolia Hotshots ang Hong kong Eastern, sa score na 107-78, sa PBA Season 49 Commissioner’s Cup, sa Ynares Center sa Antipolo.
Dahil dito, nananatiling buhay ang pag-asa ng Magnolia na makapasok sa quarterfinals.
ALSO READ:
Pinay Tennis Sensation Alex Eala, nagbabala laban sa disinformation, fake news
Lebron James, Stephen Curry, at Kevin Durant, muling nagsama-sama sa NBA All-Star lineup
World class multi-sports hub itatayo sa New Clark City
Lebron James, napiling maglaro para sa kanyang 22nd consecutive NBA All-Star game
Nagsanib-pwersa sina Ricardo Ratliffe, Jerom Lastimosa, at Zav Lucero na kumamada ng 65 points, mula sa kanilang mga ambag na 25, 20, at 20 points.
Nagdagdag din ng puntos sa Hotshots ang veteran big man na si Ian Sangalang na gumawa ng 14 points, 4 rebounds, at 2 assists.
Sa Biyernes ay nakatakdang harapin ng Magnolia ang Meralco Bolts para sa playoffs.
