25 April 2025
Calbayog City
Province

Mahigit 50 katao, arestado sa Anti-Criminality Operations sa Montalban, Rizal

UMABOT sa 54 na katao ang nadakip ng mga tauhan ng Task Force Anti-Criminality (TFAC) sa dalawang araw na operasyon sa Montalban, Rizal.

Ang mga nadakip ay dahil sa iba’t ibang paglabag sa Municipal Ordinances.

Kabilang sa naaresto ang isang mayroong standing warrant of arrest at Number 1 Most Wanted sa lungsod ng Maynila dahil sa kinakaharap na kasong pagpatay sa isang Barangay Tanod.

Ang suspek ay natimbog sa isang operasyon na isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng TFAC at Rodriguez PNP.

Nakumpiska mula sa kanya ang mga ang mga baril kabilang ang caliber 45, caliber 38, shotgun, at iba’t ibang uri ng mga bala. (DDC)

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).