HINDI na iaapela ng Director-Screenwriter na si Darryl Yap ang desisyon ng Muntinlupa Regional Trial Court, na nag-utos na alisin ang trailer ng “The Rapists of Pepsi Paloma” kung saan binanggit ang pangalan ni Vic Sotto.
Sa dalawampung pahinang desisyon, bahagyang kinatigan ni Muntinlupa RTC Presiding Judge Liezel Aquiatan ang Writ of Habeas Data Petition ni Sotto laban kay Yap.
Kylie Padilla, nag-react sa pag-amin ni AJ Raval na may mga anak na ito kay Aljur Abrenica
Jessica Sanchez, uuwi sa Pilipinas para sa New Year’s Countdown event
Bela Padilla, binatikos si Pangasinan Cong. Mark Cojuangco sa mga komento nito sa mga binaha; Slater Young, pinasaringan
Sexbomb Girls, tinanggal si Anjo Yllana sa Lyrics ng “Bakit Papa?” sa kanilang performance sa “Eat Bulaga!”
Kasunod ng paglalabas ng order ay sinabi ni Atty. Raymund Fortun na hindi na iaapela ng kanyang kliyente ang naturang desisyon, dahil pinayagan pa rin naman si Yap na ipalabas ang pelikula sa mga sinehan.
Una nang inanunsyo ng direktor na tapos ang “The Rapist of Pepsi Paloma” at handa na para sa review.
Nakatakda namang ipalabas ang kontrobersyal na pelikula sa Feb. 5.
