HINDI pa kailangan ng Philippine Coast Guard (PCG) ng tulong mula sa kanilang mga kaalyado sa pagsasagawa ng Resupply Missions sa BRP Sierra Madre, sa kabila ng pangha-harass ng China kamakailan.
Sinabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, na sa ngayon ay wala siyang nakikitang dahilan para humiling ng anumang foreign support para sa kanilang Ordinary and Routine Resupply Mission.
Mag-asawang Discaya, pinangalanan ang mga kongresista at iba pang mga opisyal na nakinabang sa umano’y maanomalyang Flood Control Projects.
Pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga tiwaling contractors, inirekomenda na sa Ombudsman
Senador Tito Sotto, muling iniluklok bilang Senate President kapalit ni Senador Chiz Escudero
Batas na magtatatag sa Bataan High School for Sports, pirmado na ni Pangulong Marcos
Noong nakaraang Lunes ay binangga ng China Coast Guard ang Filipino Vessel na nasa Resupply Mission habang patungo sa nakasadsad ng Philippine Navy Ship sa Ayungin Shoal, na nagresulta sa pagkakaputol ng daliri ng isang Navy Personnel at pagkakasugat ng anim na iba pa.
Sa kabila naman ng ebidensya mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na pinagbantaan at tinutukan ng mga patalim ng Chinese Personnel ang mga Pilipinong Sundalo, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi armed attack ang insidente.