TINIYAK ni Vice President Sara Duterte na mananatili silang magkaibigan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasunod ng kanyang pagbibitiw sa Gabinete ng Administrasyon.
Sa sidelines ng Du-aw Festival Basketball Game sa Davao City, sinabi ng Bise Presidente na pumunta siya sa opisina ng Pangulo at inihain niya ang kanyang resignation letter na maayos na maayos namang tinanggap, gayundin ang pagtatapos ng kanilang pag-uusap.
Binigyang diin ni VP Sara na nagbitiw siya bilang kalihim ng Department of Education at Vice Chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na ang kanyang resignation ay para sa ikabubuti ng DepEd.
Inanunsyo ni VP Sara ang kanyang pagbibitiw sa Gabinete noong nakaraang miyerkules, na mayroong 30-day notice, at epektibo sa July 19, 2024.