PATAY ang isang Pari makaraang masalpok ng SUV ang minamaneho nitong motorsiklo sa Bayan ng Llorente, sa Eastern Samar.
Kinilala ang biktima na si Father Alejandro “Alex” Galo, residente ng Maydolong, Eastern Samar, at tagapangulo ng ilang komite sa ilalim ng Diocese of Borongan.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng kanyang motorsiklo ang animnapu’t anim na taong gulang na Pari, nang mabangga ng SUV sa pakurbadang bahagi ng kalsada, sa Barangay Naubay.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Llorente Municipal Police Station ang driver ng nakabanggang sasakyan.
