KONTROLADO pa rin ng Comelec ang sitwasyon kahit “back to zero” ang kanilang ballot printing para sa 2025 National and Local Elections kasunod ng order ng Supreme Court.
Una nang pinagbawalan ng korte suprema ang poll body sa pag-diskwalipika sa limang kandidato mula sa nalalapit na halalan sa Mayo.
PNP, Pinamunuan ni Chief Nartatez sa Malawakang Paghahanda Laban sa Super Typhoon Uwan
Mahigit 9,000 personnel, dineploy ng DPWH para sa Clearing at Emergency Operations para sa Bagyong Uwan
Halos 500K Food Packs naipadala na sa mga LGU; RORO, Cargo Fees at Toll libre na para sa Emergency Responders at sasakyang maghahatid ng Relief
5 Dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig sa harap ng banta ng Bagyong Uwan
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na nangangahulugan ito na nasayang lamang ang anim na milyong balota na na-imprenta sa nakalipas na dalawang linggo.
Alinsunod sa batas, inihayag ni Garcia na ang mga balota na hindi magagamit ay hindi maaring i-recycle at kailangang sirain.
Aminado rin ang Poll Chief na hindi ito madaling gawin dahil babaguhin nila ang election management system, database, serialization ng mga pangalan, at lahat ng ballot faces sa buong bansa.
Tiniyak naman ni Garcia sa publiko na gagawin ng Comelec ang lahat upang matuloy ang halalan sa mayo a-dose, batay sa itinakda ng batas.
