5 July 2024
Calbayog City
National

Panukalang 2024 National Budget, sinertipikahang urgent ni Pangulong Bongbong Marcos

SINERTIPIKAHAN bilang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang pagpasa sa panukalang 5.768-Trillion Peso National Budget para sa susunod na taon.

Sa sulat na naka-address kay Speaker Martin Romualdez, sinabi ni Pangulong Marcos na ang agarang pagpasa sa General Appropriations Bill (GAB) ay kinakailangan upang mapanatili ang tuloy-tuloy na operasyon ng gobyerno at mapabilis ang pagpopondo para sa iba’t ibang programa.

Idinagdag ng Pangulo na ang pagsertipika sa bill bilang urgent ay magbibigay ng katiyakan sa kahandaan ng pondo, upang magampanan ng gobyerno ang mandato nito, alinsunod sa konstitusyon.

Sa pamamagitan ng sertipikasyon ni Pangulong Marcos, pinapayagan ang pag-apruba sa bill sa second at third reading sa kaparehong araw.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *