INATASAN ng Department of Transportation (DOTr) ang North Luzon Expressway (NLEX) Corp. na agad suspendihin ang paniningil ng toll sa Marilao Northbound Segment ng Expressway.
Ito ay hangga’t hindi nagiging passable sa mga motorista ang lahat ng apat na linya sa bahagi ng kalsada matapos na isang container truck ang tumama sa Marilao Interchange Bridge.
Mahigit P386-M na jackpot prize sa Ultra Lotto napanalunan ng nag-iisang bettor
DMW kumpiyansang maaabot ang 100 percent budget utilization ngayong taon
Dagdag na $100 sa minimum wage ng mga Pinoy domestic helpers ipatutupad ng DMW
Mga Pinoy marino na naipa-deport pauwi ng Pinas, inilapit ni Sen. Raffy Tulfo kay US Ambassador Carlson
Inatasan din ang NLEX Corporation na magbigay karampatang tulong sa pamilya ng isang nasawi sa insidente at sa iba pang nasugatan kabilang ang 2-taong gulang na bata.
Humingi rin ng pangunawa ang DOTr sa mga motorista at komyuter dahil sa pangyayari.
Pinamamadali na ng ahensiya ang pagsasa-ayos ng apektadong imprastruktura upang agarang mapabilis at maayos ang daloy ng trapik sa lugar.