15 July 2025
Calbayog City
Metro

LGU, mas maghihigpit sa mga aktibidad para sa Wattah Wattah Festival; “Basaan Zone,” itinakda

MAS maghihigpit ang San Juan City Government sa idaraos na Wattah Wattah Festival sa lungsod sa June 24.

Noong nakaraang taon kasi ay nag-viral ang pambabasa ng mga residente sa mga dumaraang motorista, partikular ang insidenteng kinasangkutan ng binansagang si “Boy Dila”.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora sa bisa ng City Ordinance No. 14 Series of 2025, itinakda ang “Basaan Zone” kung saan tanging sa Pinaglabanan Street lamang sa pagitan ng N. Domingo at P. Guevarra Streets at sa Pinaglabanan Shrine pwedeng gawin ang basaan.

Ang oras ng basaan ay mula 7:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon lamang.

Iiral din ang Liquor Ban sa lungsod simula 12:01am hanggang 2:00pm ng June 24 kung saan bawal ang pagbili, pagbenta at pag-inom ng alak.

Ang mga lalabag na nasa wastong gulang ay maaaring mapatawan ng multang P5,000 at 10 araw na pagkakakulong.

Ang mga menor de edad na lalabag ay dadalhin sa City Social Welfare Office at ang magulang ay pagmumultahin ng P5,000.

P5,000 din ang multa sa mga lalabag sa Liquor Ban.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).