KINUMPIRMA ng Provincial Health Office (PHO) na naka-recover na ang dalawang pasyente na tinamaan ng sakit na Mpox sa lalawigan ng San Jose Del Monte City, Bulacan.
Ayon sa pahayag ng PHO, kapwa agad nakapag-isolate ang dalawang pasyente at fully recovered na.
Tiniyak din ng PHO na tinutukan ng City Health Office ang dalawang kaso, at ang kanilang naging close contacts ay pawang walang sintomas.
Sa pahayag ng city government, posibleng nakuha ng mga nasabing pasyente ang Mpox sa kanilang mga nakasalumuha at iba pang personal na aktibidad sa labas ng lungsod.
Parehong nakaranas ng mild symptoms ang dalawa partikular na ang skin rashes.
Sa kasalukuyan sinabi ng PHO na walang aktibong kaso ng Mpox sa buong lalawigan ng Bulacan.
Pinaalalahanan naman ng PHO ang mga residente na panatilihing malinis ng pangangatawan at laging maghugas ng kamay.