15 July 2025
Calbayog City
National

Ombudsman, inatasan si VP Sara at 9 na iba pa sa reklamo na may kinalaman sa umano’y maling paggamit ng Confidential Funds

INATASAN ng Office of the Ombudsman si Vice President Sara Duterte at siyam na iba pa mula sa Office of the Vice President na sumagot sa reklamong isinampa ng Kamara kaugnay ng umano’y maling paggamit ng Confidential Funds.

Binigyan ng Ombudsman si VP Sara at iba pang respondents ng sampung araw pagkatanggap nila ang order, para magsumite ng Counter-Affidavits, kasama ang Affidavit/s ng kanilang witness/ess at iba pang supporting documents.

Nakasaad din sa kautusan na ang kabiguang magsumite ng Counter-Affidavit sa itinakdang panahon ay ituturing na wini-waive ng respondents ang kanilang karapatan na magsumite ng Controverting Evidence, at susundan na ito ng Preliminary Investigation.

Sinabi pa ng Ombudsman na hindi na sila tatanggap pa ng anumang Motion to Dismiss o Motion for Bill of Particulars. 

Nag-ugat ang reklamo mula sa rekomendasyon ng House Committee on Good Governance and Public Accountability na sampahan ng mga kaso si Duterte dahil sa umano’y maling paggamit ng 500 million pesos na Confidential Funds ng OVP at 112.5 million na Confidential Funds ng Department of Education mula 2022 hanggang 2024.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).