IKINAALARMA ng Department of Health (DOH) ang tumataas na kaso ng Chronic Kidney Disease (CKD) sa Pilipinas, kabilang na sa mga bata.
Inihayag ni Health Secretary Ted Herbosa, na inatasan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang Primary Care at Prevention Programs upang masolusyunan ang root causes ng sakit, gaya ng diabetes at hypertension.
ALSO READ:
Cyberlibel ni Sen. Risa Hontiveros laban kay Atty. Ferdinand Topacio, ibinasura ng DOJ
Interpol humihingi pa ng dagdag impormasyon sa request na red notice kay Zaldy Co
Hirit ni Dating Senador Bong Revilla na mailipat siya sa Camp Crame sinopla ng korte
Cong. Edvic Yap nagbitiw bilang kongresista; Cavite Rep. Kiko Barzaga suspendido ulit ng 60-araw
Binigyang diin din ni Herbosa na kailangang magkaroon ng pagbabago sa lifestyle, lalo na sa mga kabataan.
Sinabi pa ng kalihim na kung ang isang tao ay kumakain ng tama at umiiwas sa masyadong matatamis, hindi ito magkaka-diabetes at hindi magkakaroon ng Chronic Kidney Disease.
