PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng bagong benefits package ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) para sa adult and post-kidney transplant patients.
Sa naturang event na ginanap sa National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City, inanunsyo ni Pangulong Marcos ang Expanded Z Benefit Package ng PhilHealth.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Salig sa layunin ng Universal Healthcare Law, dinagdagan ng PhilHealth ang mga benepisyo para sa kanilang mga miyembro na mayroong CKD Stage 5, sa pamamagitan ng pagpapalawig sa Hemodialysis Sessions sa 156 mula 90, kada taon, na ang per session ay nagkakahalaga ng 6,350 pesos.
Itinaas din ng PhilHealth ang Z Benefit para sa coverage ng Kidney Transplantation na ang Living Organ Donor ay makatatanggap ng 1.045 million pesos habang ang sa Deceased Organ Donor ay 2.146 million pesos.
Sa ilalim ng kaparehong Post-Kidney Transplant Services Benefits, ang living donors ay makatatanggap din ng 1,900 pesos na halaga ng laboratory testing at monitoring kada anim na buwan.
