UMARANGKADA na ang panibagong taas presyo sa mga produktong petrolyo, ngayong martes.
Piso at sampung sentimos ang itinaas sa kada litro ng gasolina habang dalawampung sentimos sa diesel.
Pitumpung sentimos naman ang nadagdag sa presyo ng kada litro ng kerosene o gaas.
Ito na ang ika-pitong sunod na linggong pagtaas sa diesel at kerosene habang ika-anim sa gasolina.