20 August 2025
Calbayog City
Local

Pangulong Marcos, pinatitiyak sa DOH ang pagpapatupad ng Zero Billing Program

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Health (DOH) na tiyakin na lahat ng ospital na nasa ilalim nito ay batid ang ipinatutupad na Zero Balance Billing para sa mahihirap na pasyente.

Sa kanyang pagbisita sa Tacloban City, sa Leyte, ipinag-utos ng pangulo kina Health Secretary Ted Herbosa at Dr. Joseph Michael Jaro, Medical Center Chief of Eastern Visayas Medical Center (EVMC), na gumagana ang sistema ng Zero Balance Billing sa lahat ng ospital na kanilang nasasakupan.

Nilinaw naman ni Herbosa na tanging mga naka-admit sa Basic Rooms ng DOH Hospitals ang saklaw ng programa.

Idinagdag ng kalihim na mahigit 80 billion pesos na pondo ang ibinuhos sa mga pampublikong ospital ngayong taon para maipatupad ang programa.

Kasama sa pagbisita ng pangulo ang pakikipag-usap sa mga opisyal ng mga ospital, Frontline Healthcare Workers at mga pasyente upang i-asses ang Impact ng programa.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).