PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” marcos Jr. ang pamamahagi ng Patient Transport Vehicles ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa Eastern Visayas sa Ormoc City, sa Leyte.
Kabuuang 124 na mga ambulansya ang ipinamahagi sa iba’t ibang mga munisipalidad at siyudad sa Region 8, partikular sa Biliran, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Southern Leyte, at Leyte.
Pinakamalaking Solar Irrigation Project sa Eastern Visayas, pinasinayaan na
Calbayog City, tumanggap ng bagong ambulansya mula sa PCSO na magpapalakas sa Local Emergency Response
Good Referral System, hiniling ng Eastern Visayas Medical Center sa gitna ng pagdagsa ng mga pasyente sa ospital
Mahigit 110,000 na kabataang botante, nagparehistro sa Eastern Visayas
Sinabi ni Pangulong Marcos na tatlo sa bawat apat na Local Government Units (LGUs) sa buong bansa ang pinagkalooban ng ambulansya, at madaragdagan pa ang mga ito, bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan na palakasin ang Emergency Healthcare System sa Pilipinas.
Ayon sa pangulo, ang Rollout ay bahagi ng Commitment ng kanyang administrasyon upang matiyak na bawat lalawigan, siyudad, at munisipalidad, ay mayroong access sa Emergency Medical Transport.
Nakapag-deliver na ang PCSO, na siyang nagpapatupad ng Medical Transport Vehicle Donation Program ng 1,297 PTVs sa buong bansa, na sumasaklaw sa 75 percent ng lahat ng LGUs.
Ang mga ambulansya ay mayroong Stretchers, Oxygen Tanks, Wheelchairs, First Aid Kits, Blood Pressure Monitors, at Medicine Cabinets, para sa ligtas at mabilis na pagbiyahe ng mga pasyente, lalo na sa malalayong komunidad.