7 July 2024
Calbayog City
National

Pangulong Marcos nakipagpulong kay Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss; Punong Ehekutibo nakiramay sa naulila ng Pinoy na nasawi sa Israel

NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss sa Malakanyang.

Sa nasabing pulong ay personal, pinasalamatan ng Pangulo si Fluss sa tulong ng Israeli Government sa mga Pinoy doon.

Partikular na pinasalamatan ng Pangulo ang Israeli Defence Forces sa ginawa nitong pagliligtas sa mahigit dalawampung Pinoy.

Binigyan din ng briefing ni Fluss ang Pangulo hinggil sa pinakabagong kaganapan sa Israel.

Ipinabatid naman ng Pangulo ang kaniyang pagkabahala sa ilang Pinoy na nananatiling nawawala.

Ayon kay Fluss, ginagawa ng pamahalaan ng Israel ang lahat para masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Tiniyak naman ni Marcos kay Fluss na kaisa ng Israel ang Pilipinas sa laban nito sa ginagawang inhuman terrorist attacks ng Hamas.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *