8 July 2024
Calbayog City
National

Pangulong marcos, nakiisa sa paggunita ng kamatayan ni Ninoy Aquino; ipinanawagan ang pagsasantabi sa political differences

ninoy

Sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng kamatayan ni dating senador Ninoy Aquino kahapon, hinikayat ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sambayanan na magkaisa.

Sa kaniyang mensahe, hinimok ng pangulo ang publiko na isantabi ang political differences at magkaisa para sa ikauunlad ng bansa.

Ayon sa pangulo, sa paninindigan sa kaniyang paniniwala at sa pakikipaglaban para isulong ang tama, si ninoy ay naging mabuting halimbawa sa maraming Pilipino.

Ayon sa pangulo, dapat isantabi na ang political barriers na nakahahadlang para makamit ng bansa pag-sulong para sa ikabubuti ng nakararami.

Ang pagmamahal aniya sa bansa ay makatutulong upang makamit ang pagkakaroon ng harmonious environment.

Kaugnay nito, hinikayat ng pangulo ang sambayanan na gawing inspirasyon si ninoy para makamit ang mas inklusibo at progresibong bansa.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *