8 July 2024
Calbayog City
National

Pangulong Marcos, ibinida ang Maharlika Fund sa harap ng world leaders at foreign businesses sa Singapore.

IBINIDA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ang Maharlika Investment Fund sa harap ng world leaders at foreign businesses sa Singapore.

Sa kanyang talumpati sa 10th Asia Summit, iprinisinta ng Pangulo ang Sovereign Wealth Fund na magsasama-sama sa investible funds ng government financial institutions, upang mapabilis ang pagsulong ng ekonomiya sa pamamagitan ng domestic at overseas strategic investments.

Ipinagmalaki rin ng Punong Ehekutibo ang mga ipinatupad na reporma para sa pagpapagaan ng mga panuntunan sa public services, retail, at renewable energy.

Binanggit din nito ang naitalang 7.6% na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas noong nakaraang taon, at ang advantage ng pagiging miyembro ng Regional Comprehensive Economic Partnership (R-CEP).

Kaugnay nito ay hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga dayuhang kumpanya na i-konsidera ang Pilipinas bilang investment destination.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *