Makikita ang tunay na diwa ng kalayaan sa bawat Pilipinong patas na lumalaban sa araw-araw na hamon ng buhay.
Pahayag ito ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdiriwang ng 126th Philippine Independence Day, kahapon.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sinabi ng pangulo na makikita ito sa katatagan ng mga magsasaka at mga mangingisda para ating pagkain; sa dedikasyon ng mga guro sa paghubog sa kaisipan ng mga susunod na henerasyon; at sa katapangan ng mga sundalo para protektahan ang ating teritoryo.
Pinangunahan ni pangulong Marcos kahapon ng umaga ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa Luneta Park sa Maynila sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.
