Dalawang sasakyan ang nagsalpukan bandang 2:55 ng madaling araw ng Disyembre 25, 2023 sa Brgy. Nabang, Oquendo District, Calbayog City, Samar.
Nakilala ang driver ng Wing Van Isuzu Ten Wheeler truck na si Dennis Antonio, nakatira sa P3 Tagum, Davao del Norte at driver ng Silver Star Bus na si Segundo Dayug, nakatira sa 27 P14 Brgy. Commonwealth, Quezon City, sugatan at naospital.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang Silver Star ay binabaybay mula Catarman, Northern Samar patungo sa Calbayog City at pagdating sa nabanggit na lugar ng insidente ang Ten Wheeler truck ay biglang lumiko sa kaliwang lane na nagmumula sa kabilang lane mula sa Calbayog City kaya nagresulta sa pagkakasalpok ng dalawang sasakyan at nagresulta rin sa pagkakapinsala ng mga nasabing sasakyan.
Ang truck ay labis na nawasak habang ang bus naman ay nahulog sa kanal. Kinakailangan ng mabibigat na kagamitan o sasakyang para maalis ito sa lugar.
Dagdag pa rito, ang dalawang driver ay parehong isinugod sa ospital para malapatan ng medikal na lunas. Wala namang naiulat na nasaktan na mga pasahero.