Nagsasagawa ang PNP ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek, pati na ang motibo sa pamamaril sa isang punong barangay sa Calbayog City, sa Samar.
Lulan ng tricycle si Susan Sumulong, limampung (50) taong gulang, kapitan ng Barangay Calacnoyan, Seven Hills nang paputukan ito ng baril sa Barangay Obrero.
Tinamaan ng bala sa likod ng balikat ang biktima na agad namang naisugod sa isang local hospital upang malapatan ng lunas.
Ayon sa mga saksi, tumakas ang gunman sa hindi tukoy na direksyon lulan ng motorsiklo. Kasalukuyan namang nagpapagaling ang kapitan ng barangay sa Calbayog District Hospital.