SINIMULAN na ng COMELEC ang kanilang nationwide distribution ng Voter’s Information Sheets (VIS) para sa halalan sa Mayo.
Ang VIS ay apat na pahinang dokumento na nagtataglay ng mahahalagang impormasyon ng mga botante, gaya ng lokasyon ng kanilang presinto, panuto kung paano gamitin ang Vote-Counting Machines, at listahan ng mga kandidato.
Hinimok ni COMELEC Chairman George Garcia ang mga botante na dalhin ang dokumento sa polling precinct sa araw ng eleksyon sa Mayo a-dose, upang maging basehan ng kanilang pagboto.
Sinabi ni Garcia na target ng Poll Body na ma-deliver ang VIS sa mahigit 68 million registered voters bago matapos ang Abril.