PATULOY ang ginagawang hakbang ng Philippine embassy sa Myanmar upang matukoy ang kalagayan ng mga Pinoy na posibleng naipit sa gumuhong Sky Villa Building matapos tumama ang malakas na lindol.
Nakipagpulong na ang composite team ng embahada sa mga opisyal na nangangasiwa sa search and rescue operations, gayundin sa mga opisyal ng Mandalay General Hospital, upang kilalanin ang mga nailigtas at narekober na dayuhan mula sa guho.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sa ngayon, wala pang positibong pagkakakilanlan sa alinman sa mga nailigtas o sa mga narekober na katawan na maaaring may kaugnayan sa apat na Pilipinong pinaniniwalaang nasa loob pa rin ng gumuhong gusali.
Nakipag-ugnayan din ang embahada sa 11 Pilipinong nakaligtas mula sa insidente upang makakalap ng karagdagang impormasyon na maaaring makatulong sa operasyon.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang embahada sa mga otoridad at ginagawa ang lahat ng paraan upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy habang nagpapatuloy din ang search and retrieval operations.
