18 May 2025
Calbayog City
Metro

Ilang empleyado ng MMDA, arestado sa “Salary Deduction Scheme”

IBINUNYAG ng Metropolitan Development Authority (MMDA) ang pagkakadiskubre sa “Salary Deduction Scheme” sa ahensya.

Ayon sa MMDA, ang mga empleyado ay bahagi ng payroll division na nagawang manipulahin ang computerized payroll system at kinaltasan ang ang sweldo ng mga target na empleyado at saka inilipat ang ikinaltas na pera sa kanilang sariling accounts.

Matapos madiskubre ang modus agad nagsampa ng reklamo si MMDA Chairman Atty. Don Artes laban sa mga sangkot sa empleyado.

Nadakip na din ang mga empleyado at naisailalim na sa inquest proceedings.

Nadiskubre ding may iba pang empleyado na sangkot sa modus at inihahanda na din ang case build-up laban sa mga ito.

Isinailalim din sa preventive suspension ang mga empleyadong sangkot at ang gamit nilang work computers ay secured na.

Nagsasagawa naman na ng internal audit at imbestigasyon ang MMDA para maiwasang maulit pa ang nangyari.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.