7 July 2025
Calbayog City
Local

Pamahalaan, pinalawig ang Libreng Shuttle Service para sa pagbubukas ng klase sa gitna ng krisis sa San Juanico Bridge

PINALAWIG ng mga ahensya ng pamahalaan ang kanilang Libreng Shuttle Service, bilang tugon sa kinakailangang transportasyon ng mga estudyante tumatawid sa San Juanico Bridge para sa pagbubukas ng klase.

Batay sa obserbasyon sa nagdaang school year, sinabi ng Department of Education (DepEd) na daan-daang mga estudyante mula sa mga barangay sa Sta. Rita, Samar ang naglalakad sa kahabaan ng tulay para makapasok sa mga paaralan sa hilagang bahagi ng Tacloban City.

Sinabi ni DepEd Eastern Visayas Regional Director Ronel Al Firmo na ang kanilang hiling sa Shuttle Service Providers ay bigyang prayoridad ang mga mag-aaral para sa libreng sakay, lalo sa tuwing rush hours sa umaga at hapon.

Nag-deploy ang Regional Inter-Agency Coordinating Council Task Force San Juanico ng sampung light vehicles mula sa Department of Public Works and Highways, Tingog Party-list, at mga nakakuha ng permit mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, para magsakay ng mga pasahero nang libre.

Inihayag naman ni Task Force Head Lord Byron Torrecarion, Regional Director ng Office of Civil Defense na hihirit sila sa LTFRB na magdeploy pa ng karagdagang Free Shuttle Units para sa pagbubukas ng bagong school year, kung kinakailangan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).