TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na handa ang pamahalaan na tugunan ang mga pangangailangan ng mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Sa video message, sinabi ng pangulo na patuloy ang masusing pagbabantay at pagbibigay ng tulong ng mga ahensya, gaya ng PHIVOLCS, National Disaster Risk Reduction and Management Council, at Department of Social Welfare and Development.
PNP, Pinamunuan ni Chief Nartatez sa Malawakang Paghahanda Laban sa Super Typhoon Uwan
Mahigit 9,000 personnel, dineploy ng DPWH para sa Clearing at Emergency Operations para sa Bagyong Uwan
Halos 500K Food Packs naipadala na sa mga LGU; RORO, Cargo Fees at Toll libre na para sa Emergency Responders at sasakyang maghahatid ng Relief
5 Dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig sa harap ng banta ng Bagyong Uwan
Binigyang diin ni Pangulong Marcos na ang pagtataas ng Alert Level 2 sa Kanlaon ay upang tiyakin ang kaligtasan ng mga residente.
Nakapagpamigay na rin aniya ang gobyerno ng mga kinakailangang tulong sa mga apektadong residente at naka-standby ang iba pang assets para sa deployment.
Nanawagan din ang punong ehekutibo sa mga residente, lalo na sa mga malapit sa mga apektadong lugar na mag-ingat, iwasang lumapit sa 4-Kilometer Permanent Danger Zone, at tumalima sa mga panuntunan at paalala ng mga lokal na otoridad.
