MAY alok na libreng dialysis ang lokal na pamahalaan ng Palompon, Leyte sa kanilang mga residente at mga kalapit na bayan, matapos makumpleto ang kanilang dialysis center.
Ayon kay Palompon Mayor Ramon Oñate, natapos na ang konstruksyon ng unang dialysis center sa lalawigan na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan, apat na taon mula nang ito ay plinano.
Aniya, mahirap para sa mga residente na i-biyahe pa kanilang mga pasyente sa Tacloban City, Ormoc City, at maging sa Cebu City, dahil lubhang magastos.
Ang dialysis ay nagkakahalaga ng 6,000 hanggang 7,000 per session, at sa loob ng isang linggo, ang isang pasyente ay kailangang sumailalim sa tatlong dialysis sessions o labindalawang beses sa loob ng isang buwan.
Naglaan ang lokal na pamahalaan ng 12.8 million pesos para sa konstruksyon ng pasilidad na maaring tumanggap ng labindalawang pasyente kada araw.