NALAGPASAN ng National Food Authority (NFA) ang kanilang Palay Procurement target sa unang anim na buwan ng taon.
Ito ay matapos itaas ng NFA Council ang Buying Price para sa Palay ng mga magsasaka.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., hindi lang nito napalakas ang Buffer Stock ng NFA kundi napalaki din ang kita ng mga magsasaka ng Palay.
Noong June 13, ang na-procure na Palay ng NFA ay umabot na sa 3.37 million na 50-kilo bags, o katumbas ng 168,262 metric tons ng Palay.
Lagpas ito sa target ng NFA na 3.36 million bags.
Ayon kay Tiu, ipagpapatuloy ni NFA acting Adminsitrator Larry Lacson ang mataas na Palay Procurement Price upang suportahan ang mga magsasaka.
Patuloy na naglilibot ang NFA sa mga lalawigan upang dagdagan pa ang kanilang inventory at para makabili ng Palay sa mga magsasaka. (DDC)
