TARGET ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC) Field Office sa Tacloban City ng malagpasan ngayong taon ang 11.9 million tablets ng herbal medicine na kanilang na-produce noong 2024 bunsod ng lumalaking demand.
Ayon kay Maria Venue Apolonio, Tacloban Plant Manager ng Department of Health-PITAHC, ang lumubong produksyon ay dahil sa tumaas na demand mula sa DOH regional offices, partikular sa Region 2 o Cagayan Valley, kung saan mayroong pinaigting na distribusyon ng non-synthetic drugs sa rural health centers.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Nabatid na ang pasilidad ay nagpo-produce ng average na 1.8 millions na tabletas kada buwan, at ang sentro ng kanilang produksyon ay lagundi at sambong.
Ang lagundi ay tradisyonal na ginagamit para gamutin ang kagat ng insekto at ahas, ulcers, rheumatism, sore throat, ubo, lagnat, at baradong sinuses.
Ang sambong naman ay isang non-invasive alternative sa mga mamahaling gamot para sa kidney stones at edema.
