PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang United Arab Emirates sa pagbibigay ng pardon para sa isandaan at labinlimang convicted Filipinos bago ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr.
Sa statement, sinabi ng pangulo na ang naturang gesture ay patunay ng “Special Partnership” ng dalawang bansa.
Hindi naman binanggit ni Pangulong Marcos kung anong mga krimen ang nagawa ng Filipino convicts, bagaman si Emirati Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Alqataam Alzaabi ang personal na naghatid ng magandang balita.
Noong nakaraang taon ay 143 Filipinos ang tumanggap ng pardon sa nagawa nilang krimen sa UAE sa panahon ng Eid al-Adha, habang 220 na iba pa ang binigyan ng kaparehong reprieve sa pagdiriwang ng National Day ng naturang Middle Eastern Country.