IPAGPAPALIBAN ng Department of Agriculture (DA) ang planong bawasan ang Maximum Suggested Retail Price ng Imported Rice, sa harap ng pabago-bagong presyo sa Global Markets bunsod ng tumataas na tensyon sa Middle East.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na iuurong muna ang pagpapatupad ng planong pagtapyas sa MSRP ng Broken Imported Rice sa 43 pesos per kilo na magsisimula sana sa July 1, bilang konsiderasyon sa epekto ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Inihayag ni Tiu Laurel na balak nilang i-delay ang Rollout ng isa o dalawang buwan para makita ang mas malinaw na senaryo kung saan patungo ang Global Prices.
Sa kasalukuyan, ang MSRP sa Imported Rice ay 45 pesos per kilo, na hindi na nabago simula noong March 31, kasunod ng pagbaba ng presyo ng bigas sa Pandaigdigang Merkado.