9 July 2025
Calbayog City
Overseas

22, patay sa suicide bombing sa isang simbahan sa Damascus, Syria

HINDI bababa sa dalawampu’t dalawa katao ang patay habang animnapu’t tatlong iba pa ang nasugatan sa suicide bombing sa isang simbahan sa Damascus, Syria.

Ayon sa Interior Ministry, isang lalaki ang walang habas na namaril sa Greek Orthodox Church of the Prophet Elias sa Dweila sa gitna ng misa, bago pinasabog ang suot na explosive vest.

Sinasabing ang attacker ay kasapi ng Jihadist Group na Islamic State, bagaman wala pang pag-ako mula sa naturang grupo.

Ito ang unang pag-atake sa Damascus simula nang patalsikin ng Islamist-Led Rebel Forces si Dating Syrian President Bashar Al-Assad noong Disyembre, na nagtapos sa labintatlong Civil War sa bansa.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).