NAKAPAGTALA ng dalawang bagong kumpirmadong kaso ng monkeypox sa Sarangani Province.
Ayon sa Sarangani Provincial Health Office, naitala ang bagong kaso ng Mpox sa bayan ng Kiamba.
Dahil dito ay umakyat na sa lima ang nakumpirmang kaso ng Mpox sa probinsya ng Sarangani.
Nauna nang inanunsyo ng Provincial Government noong June 12 na may tatlong kaso ng Mpox sa bayan ng Alabel.
Ayon sa PHO, lahat ng pasyente ay sumasailalim sa masusing Medical Monitoring.
Patuloy din ang ginagawang Contact Tracing at Community Surveillance.
Paalala ng PHO sa mga nakararanas ng sintomas ng sakit, agad na mag-report sa kanilang Barangay Health Workers, RHUs, o Municipal Epidemiology and Surveillance Units (MESUs).
Karaniwang sintomas ng Mpox ang mga sumusunod:
• pantal o butlig sa mukha o katawan
• lagnat
• pamamaga ng kulani
• pananakit ng ulo o kalamnan
Sa mga may sintomas, iwasan ang:
• pakikipagkamay o pagyakap
• direktang skin contact
• paggamit ng tuwalya, kumot, utensils, o anumang personal items ng iba