5 July 2024
Calbayog City
National

Pagtakas sa bilibid ng naarestong PDL sa Rizal pinaiimbestigahan ni Catapang

catapang
CTTO

Ipinag-utos ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ng buong imbestigasyon kung paano nakatakas ang person deprived of liberty (PDL) na si Michael Angelo Cataroja mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ito ay matapos malaman ni Catapang na naaresto ng mga tauhan ng Angono Police si Cataroja sa isang bahay sa Sitio Mangahan, Barangay San Isidro, Angono Rizal bago mag-alas 5:00 ng hapon nitong Agosto 17.

Sinabi ng BuCor chief na nais niyang malaman kung sino ang responsable sa pagtakas ng naturang PDL. Ayon pa kay Catapang, bubuo sila ng Board of Inquiry para sa isasagawa aniyang ” full blown investigation” sa nagyaring pagkakapuga ni Cataroja.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *