PINAG-usapan nina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at German Defense Minister Boris Pistorius sa kanilang pulong ang regional security issues, maging ang mga paraan upang palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Germany.
Ang bilateral meeting ng dalawang defense officials sa Makati City ay ginawa sa unang official visit ni Pistorius sa Pilipinas.
Sumabay din ang pulong sa ika-pitumpung taon mula nang maitatag ang diplomatic relations ng Pilipinas at Germany noong 1954.
Sa working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Berlin noong Marso, sinabi ng punong ehekutibo na nagpahayag ng intensyon ang Germany ng masidhing interest na palakasin ang maritime cooperation sa Pilipinas.
Sa bahagi ni German Foreign Minister Annalena Baerbock, inihayag nito na ang dangerous maneuvers ng China laban Philippine Vessels sa South China Sea ang nagbigay ng alalahanin sa Europe, dahil ang mga ginagawa ng Beijing ay labag sa international laws at hadlang sa freedom of navigation.