8 July 2024
Calbayog City
Local Weather

Pagpalaot ng mga sasakyang pandagat sa E. Samar at S. Leyte, ipinagbawal ng Coast Guard dahil sa banta ng bagyong Kabayan

DAHIL sa banta ng bagyong Kabayan, ipinagbawal ng Philippine Coast Guard (PCG) Offices sa Eastern Samar at Southern Leyte ang pagpalaot ng mga sasakyang pandagat.

Hiniling naman ng Office of Civil Defense (OCD) sa lahat ng Local Government Units sa Eastern Visayas na i-activate ang kani-kanilang disaster units at bantayan ang lagay ng panahon.

Kahapon ng umaga ay nagkansela na ng biyahe sa karagatan sa Ormoc City at Hilongos, sa Leyte patungong Cebu bilang pag-iingat sa banta ng masamang panahon.

Papayagan lamang ang pagbabalik operasyon ng mga sasakyang pandagat kapag bumuti na ang panahon o ang lagay ng karagatan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *