Nakapagtala na ng 282 na kaso g Hand, Food and Mouth Disease (HFMD) sa Quezon City.
Ayon datos ay naitala mula Jan. 1 hanggang Mar. 27, 2025.
Lubhang apektado g HFMD ang mga batang edad 6 na taong gulang pababa na may kabuuang 221 na kaso o 78 percent.
Ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, ang pagiging maingat at malinis sa katawan sa araw-araw ay makatutulong para maprotektahan ang sarili laban sa sakit.
Mahalaga ang pagpapanatili ng kalinisan at tamang hygiene gaya ng paghuhugas ng kamay:
- Pagkatapos gumamit ng palikuran o banyo
- Bago at pagkatapos kumain
- Pagkatpos umubo, bumahing at suminga
- Pagkagaling sa labas o pagkatapos maglaro
Payo ng QC LGU, agad magpakonsulta sa doktor kung araranasan ang sumusunod na sintomas:
- lagnat
- pananakit ng ulo
- pananakit ng lalamunan
- pagkawalang ganang kumain
- rashes sa kamay
- sugat sa bibig at dila – rashes sa talampakan