Natapos na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta sa 68 million na voter’s information sheets (VIS) na gagamitin para sa May 2025 elections.
Sa pinakahuling datos ng COMELEC mula sa National Printing Office (NPO), natapos na ang pag-imprenta ng 68,431,965 VIS hanggang araw ng Biyernes, Mar. 28.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Ang nasabing bilang ay katumbas din ng kabuuang bilang ng mga botante sa buong bansa.
Ang VIS ay nagtataglay ng impormasyon ng mga botante kabilang ang kanilang pangala, address at mga paalala sa kung paano ang proseso ng pagboto.
Laman din ng VIS ang listahan ng mga national at lokal na kandidato at mga kalahok sa party-list elections. Paalala ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia ang VIS ay dapat na ibigay ng local Comelec office sa mga botante.
