MAYORYA ng mga Pilipino ang naniniwala na inflation pa rin ang mga nangungunang dapat tugunan ng pamahalaan, batay sa latest survey ng Octa Research.
Sa tugon ng masa survey, itinuturing ng 66 percent ng 1,200 adult respondents ang paglobo ng presyo ng mga pangunahing bilihin bilang urgent concern.
Sinundan ito ng umento sa sweldo ng mga manggagawa at access sa abot-kayang presyo ng pagkain na nasa 39 percent; paglikha ng mas maraming trabaho, 33 percent; at bawasan ang kahirapan, 25 percent.
Kabilang din sa concern ng mga pinoy ang pagbibigay ng libre at dekalidad na edukasyon na nasa 19 percent; at paglaban sa graft and corruption sa gobyerno, 17 percent.
Ang non-commissioned survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interview simula Aug. 28 hanggang Sept. 2, 2024.