23 November 2024
Calbayog City
Local

Paglalayag sa ilang bahagi ng Eastern Samar at Northern Samar, sinuspinde dahil sa bagyong Leon

SINUSPINDE ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paglalayag sa ilang bahagi ng Eastern Samar at Northern Samar bunsod ng bagyong Leon.

Sa Eastern Samar, apektado ng No-Sailing Policy ng PCG ang mga bayan ng Arteche, Oras, Jipapad, at San Policarpo.

Epektibo rin ang naturang kautusan sa mga bayan ng San Roque, Catubig, Laoang, Lapinig, Pambujan, Palapag, Gamay, Mapanas, at Mondragon, sa Northern Samar.

Kamakailan lamang ay naapektuhan din ang mga naturang lugar nang manalasa ang severe tropical storm Kristine sa bahagi ng Eastern Visayas.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).