Inaasahang lalago ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ngayong 2025 at sa 2026, sa gitna ng malakas na domestic demand, ayon sa United Nations (UN).
Sa latest World Economic Situation and Prospect Report, tinaya ng UN na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 6.1 percent ngayong 2025 at 6.2 percent sa 2026.
Sinabi ni UN Department of Economic and Social Affairs Officer Zhenqian Huang na isa ang Pilipinas sa Strongest Growth Performers sa East Asian Economies.
Ang forecasts ng UN ay kapwa pasok sa 6 to 8 percent growth target ng pamahalaan para sa mga taong 2025 at 2026.