LUMOBO na sa dalawampu’t apat ang bilang ng mga nasawi sa sumiklab na wildfires sa Los Angeles, California.
Ayon sa County of Los Angeles Medical Examiner, walo sa mga nasawi ay mula sa Palisades Fire at labing anim mula sa Eaton Fire.
ALSO READ:
Lalaking nagtangkang i-assassinate si US President Donald Trump, hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo
Anak ni Dating Libyan Leader Muammar Gaddafi, patay sa pamamaril
80 Nigerians na kinidnap, nakauwi na sa kanilang mga pamilya matapos tumakas
Supreme Leader Ali Khamenei, nagbabala sa US ng regional war kapag inatake ang Iran
Ang Palisades Fire na sa kasalukuyan ay ang pinakamalaking active wildfire sa Los Angeles area, ay nagdulot ng pinsala sa mahigit 23,700 acres at tumupok sa mahigit limanlibo tatlundaang structure simula noong nakaraang Martes.
Samantala, mahigit 14,100 acres naman ang nilamon ng apoy sa Eaton na malapit sa Altadena at Pasadena.
