5 July 2024
Calbayog City
Local

Pagkukumpuni sa bahagi ng kalsadang nasira sa Brgy. Gadgaran at Navarro sa Calbayog City agad sisimulan!

TULUYAN nang bumigay ang bahagi ng kalsada sa bahagi ng Barangay Gadgaran at Barangay Navarro sa Calbayog City.

Ayon sa mga opisyal ng lungsod, ang malalakas na pag-ulan dulot ng habagat ang nagpalambot sa lupa sa bahagi ng kalsada kaya hindi ito nadadaanan.

Sinabi naman ni Calbayog City Engineer Ashley Albana na ang kalsadang partially damaged ay nakatakdang i-repair ngayong taon.

Aniya, aprubado na ni Mayor Raymund “Monmon” Uy ang budget para sa rehabilitasyon at bidding para sa road repair project.

Tiniyak ni Albana na agad sisimulan ang pagkukumpuni ng kalsada pagkatapos ng bidding process.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *