2 May 2025
Calbayog City
National

Pagkontrol sa inflation, top urgent concern sa bansa, ayon sa nakararaming Pinoy

MAS inaalala pa ng nakararaming Pinoy ang problema sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo kaysa sa usapin sa Charter Change.

Sa Tugon ng Masa (TNM) survey na ginawa ng OCTA Research, 73 percent ng adult Filipinos ang nagsabi na top urgent concern ang pag-kontrol sa inflation. 

Ginawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 na adult respondents noong Dec. 10 hanggang Dec. 14. 

Ang ikalawang urgent concern ng mga Pinoy base sa survey ay ang access sa murang pagkain gaya ng bigas, gulay at karne, at ikatlo ang paglikha ng mas maraming trabaho. 

Nasa ikaapat na puwesto ang pagtaas sa sweldo ng mga manggagawa, pagpapababa sa poverty, libreng de kalidad na edukasyon, paglaban sa korapsyon at iba pa. 

Nasa pang-labingwalong pwesto lamang ang usapin sa pagpapalit ng Konstitusyon. 

Sa nasabing survey, pinapili ang mga respondent sa listahan ng tatlong pinaka-importanteng isyu na sa tingin nila ay dapat na aksyunan agad ng administrasyon ni Pangulong Marcos.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *